“If you want, kayong mga bleeding hearts, if you really want to stop the violence ganoon, mag-adopt na lang. Adopt ng addict. Share a love between your fellow men. Sige… Para malaman ninyo ang perdition ng isang drug addict,”

Ito ang naging buwelta ni Pangulong Duterte sa mga kritiko ng kampanya kontra-droga. Sa kanyang talumpati para sa oathtaking ng People’s National Movement for Ferdealism (PENAMFED), ipinaliwanag ng Pangulo na ang nakalaang pera para sa rehabilitasyon ng mga drug dependents ay limitado lamang at ito ay iprinepara pa ng nagdaang administrasyon. Kaya hinamon niya ang mga kritiko na mag-ampon ng drug addict kaysa nag-iingay ang mga ito.




“Sabi, ‘Bakit patayin ni Duterte? Hindi niya lang i-rehab?’ Ay na, hindi mo lang alam, mare, na wala na akong mapasukan. Gusto mo, itulong na lang ninyo. Ang mga bahay ninyo, magreserba ka, mga mansyon, mga apat, lima, anim ang mga kwarto. Eh di ibigay ninyo ang isa. Adopt an addict and see what happens. So that’s my advice,” sabi ni Pangulong Duterte
Ang hamon na ito ni Presidente sa mga kritiko niya ay patas lang. 

Tutal puro kontra at daldal ang ang ginagawa ng mga ito pagdating sa problema ng droga sa bansa, mainam na mag-ampon na lang sila ng durugista para malaman nila ang bigat ng may kasamang drug addict sa tahanan.

Sa tingin niyo, patas na hamon ba ito ng Presidente sa mga kritiko ng drug war? Gusto niyo bang mag-adopt ang mga kritiko ng durugista at patirahin sa kanilang tahanan?