“I do believe that before the year 2017 ends, we would have a new vice president,”

Ito ang prediksyon ni Antonio Trillanes para sa susunod na taon. Ayon kay Trillanes, hindi daw dapat magtiwala si Vice President Leni Robredo kay President Duterte. Sinabi ito ni Trillanes nang banggitin ni Presidente Duterte na matatapos ni Robredo ang termino nito bilang bise presidente.

Ayon pa kay Trillanes, may kaugnayan ang kanyang prediksyon sa electoral protest ni Bongbong Marcos laban kay Robredo. Dagdag pa ni Trillanes, minamadali na raw ng mga ka-alyado ni President Duterte ang resolusyon sa electoral protest ni Marcos.
Minamadali daw ang electoral protest para kung manalo si Marcos sa recount ay wala ng maghahangad pang ma-impeach pa si President Duterte dahil si Marcos na raw ang papalit bilang Pangulo.

Anong reaksyon niyo sa pinagsasabi ni Trillanes?