Header Ads

Loida Lewis, Inutusan Uli Si P. Duterte: “Mag-resign Ka Na, Ngayon Din!

loida-lewis-inutusan-uli-si-p-duterte-mag-resign-ka-na-ngayon-din-main

Inutusan muli ni Loida Nicolas-Lewis si Presidente Duterte sa pamamagitan ng kanyang Facebook account. Inulit uli ni Lewis ang kanyang panawagan na magbitiw na si Pangulong Duterte. Ayon kay Lewis, marami na daw ang namamatay. Isa pa sa mga hinaing ni Lewis ay ang pagpayag ni Pres. Duterte na malibing si Ex-president Marcos sa Libingan ng mga Bayani.




Si Lewis ay isang bilyonarayang Pilipina na nakatira sa Estados Unidos. Kilala rin siya bilang masugid  na taga-suporta ng Liberal Party. Sinuportahan niya ang Roxas/Robredo tandem noong nakaraan eleksyon.
Inakusahan ni Pangulong Duterte si Lewis sa tangkang destibilisasyon. Ayon sa Pangulo, may natanggap siyang ulat tungkol sa pinaplano ni Lewis.  Konektado rin si Lewis sa mga taong may karanasan sa pagpapatumba ng gobyerno.


Anong masasabi niyo sa bagong panawagan ni Lewis? Masyado ba siyang mapagmataas?


source:

No comments

Powered by Blogger.